!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Imbentaryo ng health care force sa bansa, pinasusumite ni Sen. Angara
By Nimfa Asuncion - October 10, 2019 , 7:56 pm

Hinihingi ni Senador Sonny Angara sa Department of Health (DOH) ang datos ng kabuuang bilang ng mga doktor, nurse, dentista at mga midwife sa buong bansa.

Ayon kay Angara, tulad ng Department of Education (DepEd) at Philippine National Police (PNP) na nagsusumite ng ganitong datos, dapat ring malaman ng publiko ang running inventory ng ating health forces sa Pilipinas.

Giit ng senador, mahalaga ang datos na ito para malaman kung gaano kalaki ang kulang sa kanilang hanay at upang matiyak na sapat ang mga health professionals, na magbibigay ng serbisyong medikal sa bawat Pilipino.

Sinabi ng chairman ng Senate Committee on Finance, nasa ₱2.45 billion ang inilaan ng DOH para sa kanilang Human Resources for Health para sa susunod na taon.

Maliban dito ay nakapaloob rin sa panukalang ₱7 billion na Miscellaneous Personnel Benefit Fund ng ahensya ang hiring ng 11,000 health professionals.

Ayon kay Angara, nais niyang matiyak na sapat ang bilang ng mga medical personnel sa bansa upang maipatupad ang mandato ng Universal Health Care program ng gobyerno.

YOU MIGHT ALSO LIKE