Isyu kung hiwalay o magkasamang boboto ang Senado at Kamara, dapat muna resolbahin bago ituloy ang usapin ng cha-cha
By Kathleen Forbes - January 13, 2021 , 4:32 pm

Hindi muna dapat simulan ang pagtalakay sa panukalang amyenda sa 1987 Constitution, hanggang hindi nareresolba ang usapin kung separate o joint voting ang gagawin ng Senado sa Kamara.

Paliwanag ni Albay Representative Edcel Lagman tiyak na makararating ang usapin sa Supreme Court, kaya dapat munang malinawan ang botohan.

Sinegundahan ito ni Cavite Representative at Deputy Majority Leader Boying Remulla. at sinabi na masgsasayang lamang sila ng oras kung hindi masasagot ang “prejudicial question” sa usapin.

Ang “prejudicial question,” ay nangangahulugan na ang kalalabasan nito ay makakaepakto sa kabuuan ng isyu.

Kaya para kay Remulla. dapat maghain na lang ng kaso sa Supreme Court para mabigyan ito ng kasagutan.

Pero ayon kay Ako Bicol Partylist Rep. Alfredo Garbin, chair ng komite, kailangang may “actual controversy” para makapaghain ng kaso sa SC.

YOU MIGHT ALSO LIKE