!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Lakas ng isip at katawan, hiling ni Rep. Romualdez para sa kaarawan ni PRRD
By Kathleen Forbes - March 27, 2020 , 2:52 pm

Maagang nagpaabot ng pagbati si House Majority Leader Martin Romualdez para sa ika-75 kaarawan ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte bukas.

Ayon kay Romualdez, kaisa siya sa panalangin para sa maayos na kalusugan ng Pangulo.

Hiling din niya na magabayan ng Maykapal ang Pangulo sa mga desisyon nito, lalo na sa gitna ng krisis na kinahaharap ng bansa dahil sa coronavirus disease (COVID-19).

Nangako rin ito na bilang majority Leader ng Mababang Kapulungan, ay aagapay ito sa hakbang ng pamahalaan kontra sa COVID-19.

YOU MIGHT ALSO LIKE