Kamara, di tatalakayin ang ibang provision ng Saligang Batas na di nakapaloob sa Resolution of Both Houses no. 2
By Kathleen Forbes - January 13, 2021 , 5:23 pm

Walang ibang provision ng 1987 Constitution ang tatalakayin ng Kamara, maliban sa nakapaloob sa Resolution of Both Houses number 2.

Pagtitiyak ni House Committee on Constitutional Amendments Vice Chairperson Lorenz Defensor, malinaw sa dinidinig ngayon ng komite na limitado lamang sa provision ng ekonomiya ng Konstitusyon, ang saklaw ng pagtalakay ng Mababang Kapulungan.

Kasunod ito ng pagtatanong ni ACT-Teachers Partylist Representative France Castro, sakaling ibang bahagi ng Saligang Batas naman ang hihimayin ng Senado.

Ayon kay Defensor, ano mang usapin na labas sa nakapaloob sa RBH 2, ay hindi gagalawin ng Kamara kahit pa may hiwalay na inihain dito ang Senado.

Kung may ibang bersyon ng cha-cha na ipinasa ang Senado ay saka lamang aniya ito mapag-uusapan, at pagkakasunduan sakaling umabot man sila sa Bicameral Conference Committee.

YOU MIGHT ALSO LIKE