!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Kampanya laban sa pagtatapon ng face mask, dapat ding palakasin 
By Dang Sabdani-Jumala | RP1 Davao - March 28, 2020 , 11:54 am

Sa gitna ng kabi-kabilang paalala sa publiko na gumamit ng face mask kapag pumunta sa mga pampublikong lugar, nakaligtaan naman ang kampanya sa tamang pagtatapon ng face mask at iba pang mga kahalintulad na bagay.

Kaya naman mahigpit ang paalala ni Coast Guard Davao Station Commander Gary Laynesa sa lahat ng mga sasakyang pandagat na tumatawid mula sa Davao City patungong Island Garden City of Samal, na ibukod ang face mask at huwag isama sa mga karaniwang basura.

Maliban pa dito pinaalalahanan din ni Laynesa, ang mga may-ari ng bangka at mga pasahero na huwag gawing tapunan ng face mask at mga basura ang dagat, sa halip maglagay ng mga basurahan at ugaliing mag-disinfect, lalo na ang pinaglalagyan ng face mask.

Mahigpit din sa pagbabantay ang Coast Guard sa social distancing ng mga pasahero sa mga bangka at barge.

YOU MIGHT ALSO LIKE