LAKAS-CMD, hihintayin ang November 15 bago mag desisyon kung sinong kandidato ang susuportahan
By Kathleen Jean Forbes - October 12, 2021 , 9:24 am

Hihintayin ng political party na LAKAS-CMD ang final list ng mga kandidato para sa 2022 elections bago mag convene at mag desisyon kung sino ang susuportahan.

Ayon kay Deputy Speaker Prospero Pichay, Secretary General ng Partido, sa Nobyembre 15 pa malalaman kung sino talaga ang seryoso at pinal na kandidato para sa susunod na eleksyon.

Oras na malaman ay saka aniya mag dedesisyon ang partido sa kung sino ang susuportahan.

Umaasa rin aniya ang partido na magbabago pa ang isip ni Davao City Mayor Sara Duterte at kumandidato sa pagkapangulo sa 2022.

Bukas din aniya ang LAKAS-CMD sakaling sumali ang alkalde sa kanilang political party.

Katunayan may ilang miyembro ng partido ang naghain ng COC para sa president, vice president at senator upang kung sakali mang mayroong ibang miyembro na magbago ang isip at naisin na tumakbo bilang pangulo ay maryoon aniya silang maipapakita.

YOU MIGHT ALSO LIKE