Layout ng balota, pinatitiyak na magiging patas para sa mga party-list group
October 14, 2021 , 10:06 am

Nagpaalala si Deputy Speaker Bernadette Herrera sa COMELEC na tiyaking magiging patas para sa party-list groups ang ballot layout sa susunod na eleksyon.

Aniya, hindi na dapat maulit ang nangyari sa mga nakaraang eleksyon kung saan nakaligtaan ng mga botante na bumoto ng party-list group.

Nakalagay kasi ang party-list sa ilalim o pagkatapos ng local positions. Dahil dito, inakala ng mga botante na tapos na sila sa pagboto.

Kung hindi ito maaayos, ay maituturing na rin aniya itong disenfranchisement dahil bigo ang mga botante na makapili ng party-list na kanilang iboboto.

YOU MIGHT ALSO LIKE