Maayos na pagpapatupad ng mga batas kaugnay sa pagtugon sa pandemya, mas kailangan ng bansa — Sen. Villanueva
By Nimfa Asuncion - April 6, 2021 , 6:28 pm

Bagamat handang tumugon sa panawagang special session ng Kongreso para sa pagpapasa ng Bayanihan 3 law, binigyang diin ni Senator Joel Villanueva, na hindi ang  paggawa ng batas ang pangunahing solusyon sa kinakaharap nating hamon sa COVID-19 pandemic, kung hindi ang pagpapatupad ng mga batas.

Ayon kay Villanueva, ang kailangan ng bansa ngayon ay hindi bagong batas kung hindi ang maayos na pagkilos ng mga tao sa gobyerno.

Kabilang sa mga batas na pinunto ng senator, ay ang COVID-19 Vaccination Program law (Republic Act 11525), na aniya ay isang magandang batas na nangangailangan ng maayos na implementasyon.

Gayunpaman, kung may mga kulang pa sa mga batas na kailangang punan ay handa aniya silang tugunan ito.

Kasabay naman nito, hinikayat ng senator ang pamahalaan na maging listo at alerto sa pagpapatupad ng mga programang may pondo na sa ilalim ng 2021 national budget o General Appropriations Act) at Bayanihan 2 law.

YOU MIGHT ALSO LIKE