Malacañan, kumpiyansang magagampanan ng mga bagong talaga sa gabinete ang kanilang tungkulin
By Racquel Bayan - October 13, 2021 , 9:17 pm

Kumpiyansa ang Malacañan na magagampanan ng mga bagong appointee sa gabinete ang kanilang tungkulin sa pagpapatuloy ng mga programa sa ilalim ng kanilang tanggapan.

Pahayag ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque, kasunod ng pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte, kina Southern Leyte Representative Roger Gaviola Mercado bilang bagong kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

At kay Atty. Romando Artes, bilang General Manager ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

Ayon kay Secretary Roque, positibo ang Palasyo na pamumunuan ng mga ito ang pagsasakatuparan sa mga programa at proyekto ng kanilang tanggapan sa nalalabing panahon ng Duterte Administration.

“We are confident that Secretary Mercado and General Manager Artes will continue to oversee the completion of their department’s programs and projects in the remaining months of the current government.” saad ni Secretary Roque.

Kaugnay nito, nagpaabot naman ng good luck wish ang kalihim sa mga bagong talagang opisyal na ito.

“We wish Sec. Mercado and GM Artes all the best in their new assignments.” ani Secretary Roque.

YOU MIGHT ALSO LIKE