Malawakang imbestigasyon sa korapsyon sa pamahalaan, suportado ni House Speaker Velasco
By Kathleen Jean Forbes - October 28, 2020 , 6:52 am

Suportado ng liderato ng House of Representatives ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na magsagawa ng malawakang imbestigasyon sa umano’y korapsyon sa pamahalaan.

Ayon kay House Speaker Lord Allan Velasco, naiintiindihan nila ang pagkadismaya ng Pangulo sa laganap na korapsyon sa gobyerno at kaisa aniya ang Kamara sa pagnanais nitong masawata ang burukrasya at red-tape ng mga tiwaling opisyal.

Hindi rin aniya nila isinasantabi na ang direktibang ito ay bunsod ng pagkakadawit umano ng ilang kongresista sa katiwalian sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Bagamant ikinalulungkot ang naturang isyu ay bukas umano ang Mababang Kapulungan sa imbestigasyon ng ibang ahensya ng pamahalaan dahil magiging self serving naman aniya kung ang Kamara ang mag-iimbestiga sa sarili nito.

YOU MIGHT ALSO LIKE