!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
PSE, DA, hinimok na paganahin ang Farm Commodities Trading Board
By Kathleen Forbes - April 1, 2020 , 6:06 pm

Nanawagan si Deputy Speaker at 1PACMAN Partylist Representative Mikee Romero sa Philippine Stocks Exchange (PSE) at Department of Agriculture (DA) na paganahin ang isang Farm Commodities Trading Board.

Ayon kay Romero, na isa ring ekonomista, ang naturang trading board ay maaaring gamitin para sa electronic trading ng mga agricultural products tulad ng bigas, gulay, isda at livestock.

Ito aniya ang nakikita niyang solusyon sa pagbabago ng bilang ng suplay, demand at presyo ng naturang mga bilihin sa ordinaryong panahon o panahon ng krisis.

Maaari aniya itong paganahin oras na humupa na ang krisis sa COVID-19.

Kasabay nito nanawagan rin si Romero sa Inter-Agency Task Force (IATF) at ibang economic agencies na magpatupad ng staggard o pautay-utay na paniningil ng utang.

Sa pamamagitan nito ay mabibigyan ng pagkakataon ang mga maliliit na negosyo o mga medium and small enterprises (MSMEs) na makabawi sa nawalang kita bunsod ng Enhance Community Quarantine at mapanatili ang kanilang original workforce at hindi mauwi sa karagdagang unemployment statistic.

YOU MIGHT ALSO LIKE