Mandaluyong Mayor Menchie Abalos, nagpabakuna na rin vs. COVID-19
By Merry Ann Bastasa - April 5, 2021 , 6:51 pm

Nakatanggap na rin ng kanyang unang dose ng COVID-19 vaccine si Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos.

Sa muling pag-arangkada ng COVID vaccination sa Lungsod ng Mandaluyong, kasama na ang alkalde sa mga nagpaturok ng Sinovac vaccine.

Kasabay nito ang mga frontline worker, mga senior citizen at adult with comorbidity, na nakatakda rin ngayong araw ang apat na vaccination site sa lungsod.

Matatandaang pinahintulutan na ng Inter Agency Task Force (IATF), ang pagpapabakuna ng mga local chief executive na nasa critical areas.

Nilinaw naman ng Mandaluyong Local Government, na tanging mga may schedule lang ang pinapayagan sa mga vaccination site.

Kaya naman, kailangan munang antayin ng mga ito ang tawag mula sa vaccination team o barangay para sa kanilang schedule.

Samantala, nitong April 5, ay nasa 82,356 na mga residente na ng Mandaluyong ang nagparehistro sa MandaVax o ang online pre registration ng lokal na pamahalaan, para sa COVID vaccination.

YOU MIGHT ALSO LIKE