!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Marine Commandant Gen. Parreño, maagang bababa sa pwesto
By Leo Sarne - October 11, 2019 , 9:28 am

Kinumpirma ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Lt. Gen. Noel Clement ang planong early retirement ni Philippine Marine Commandant MGen. Alvin Parreño.

Dahil dito, nakatakdang mag-assume sa pwesto bilang Marine Commandant si MGen. Nathaniel Casem, na kasalukuyang inspector general ng Philippine Navy, sa turnover ceremony na isasagawa sa Oktubre 14.

Ayon kay Clement, personal reasons ang dahilan ni Parreño sa kanyang maagang pagreretiro, pero hindi aniya niya batid kung ano ito.

Kasabay nito, itinanggi ni Clement na may “rumblings” sa kanilang hanay, at maaari lang aniyang may konting hindi pagkakaunawaan na maaayos din naman.

Kahapon ay lumutang ang mga ulat na tinanggal umano sa pwesto ni Philippine Navy Flag Officer in Command, Vadm Robert Empedrad si Parreño dahil sa hindi pagkakaunawaan sa ilang polisiya.

Nag-ugat umano ang hidwaan ng dalawang opisyal sa pagnanais ng marine commandant na humiwalay na ang Philippine Marines sa Philippine Navy at gawin itong major service sa AFP.

YOU MIGHT ALSO LIKE