Mga nagdududa sa sinseridad ng malawakang pagpapaimbestiga ni PRRD vs. korapsyon, entitled sa kanilang opinyon — Palasyo
By Racquel Bayan - October 28, 2020 , 7:15 pm

Hayaan na lamang ayon sa Palasyo ang mga kritiko o mga indibidwal na nagdududa sa sinseridad ng pagpapa-imbestiga ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, laban sa korapsyon sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan.

Pahayag ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque, kasunod ng mga kumukwestiyon kung bakit ngayon lang ipinag-utos ng Pangulo ang malawakang imbestigasyon, gayung nasa huling dalawang taon na lamang ito ng kaniyang termino.

Ayon kay Secretary Roque, five percent lamang naman ng mga Pilipino ang mga nagdududang ito, at kahit ano naman aniya ang gawin ng Pangulo ay hindi naman magiging satisfied ang mga ito.

Bukod dito, sinabi ng kalihim na entitled naman sila sa kanilang opinyon.

“5% lang naman sila. At kahit ano ang gawin ng Presidente, hindi sila magiging satisfied. Hayaan na natin sila, they are entitled to their own opinion.” —Secretary Roque.

Matatandaan, na una na ring sinabi ng Palasyo na ang utos na imbestigasyong ito ni Pangulong Duterte sa Department of Justice (DOJ), ay upang bigyang diin ang commitment ng Pangulo na labanan ang korapsyon sa pamahalaan.

YOU MIGHT ALSO LIKE