!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Military facilities sa WesMinCom, kakabitan ng CCTV
By Leo Sarne - September 12, 2019 , 10:57 am

Kakabitan ng CCTV ang lahat ng military camps, detachments at mga patrol bases na sakop ng Western Mindanao Command (WesMinCom).

Ayon kay WesMinCom Commander Lt. Gen. Cirilito Sobejana, magiging standard equipment na ang CCTV sa lahat ng kanilang pasilidad, kasunod ng naganap na dalawang pagpapasabog sa mga kampo ng militar sa Indanan, Sulu.

Paliwanag ng heneral, nag-iba na ang mga taktika ng mga terorista sa pag-atake sa mga sundalo, at sa pamamgitan ng pag-review ng CCTV ng pag-atake ng kalaban, ay mas madedetermina nila ang kilos ng mga ito.

Kailangan din aniya ng militar, na mag-level up ng kanilang tactics, techniques at procedures, para maiwasan ang mga casualty sa mga sundalo at sibilyan sa mga suicide bombing na ginagawa ng mga terorista.

Ayon sa heneral, ang ipinakitang kahandaan ng mga sundalo mula sa 35th IB sa pagtugon sa tangkaing pasukin ng babaeng Caucasian-looking na suicide bomber ang kanilang detachment noong Linggo, ay patunay na sapat ang kaalaman ng mga sundalo para rumesponde kapag may mga ganitong senaryo.

Sa nangyaring pagsabog, tanging ang suicide bomber ang patay.

YOU MIGHT ALSO LIKE