Nilagdaang tripartite agreement para sa 17 milyong dose ng COVID vaccine mula AstraZeneca, sumasalamin sa pagkakaisa — PRRD
By Racquel Bayan - January 14, 2021 , 5:35 pm

Sumasalamin sa pagkakaisa at bayanihan para sa mga Pilipino ang paglagda sa tripartite agreement ngayong hapon, sa pagitan ng National Government, 39 na local government units (LGUs), at AstraZeneca, para sa 17 milyong COVID-19 vaccines.

Sa maikling mensahe ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, nagpaabot ito ng pasasalamat sa lahat ng naging katuwang ng pamahalaan sa laban na ito, sa gitna ng COVID pandemic.

“To everyone involved in the ‘A Dose of Hope’ Project, I congratulate you on this achievement. To all who help and continue to grow this tripartite partnership, maraming salamat po.” —Pangulong Duterte.

Pinagtibay aniya ng kasunduang ito, ang pagkakaroon ng kakayahan ng bansa na labanan ang virus.

“We now have the weapon to defeat this virus, the vaccine and let us win the way and save lives and livelihoods. Mabuhay ang Pilipinas. Mabuhay ang Pilipino.” —Pangulong Duterte.

Ayon sa Pangulo, buo ang suporta niya sa mga ito, at sama – sama aniyang sisiguruhin ang ligtas, tiyak at secured na implementasyon ng National Immunization Program ng pamahalaan.

Pagtitiyak ni Pangulong Duterte, mula sa pag-apruba ng bakuna hanggang sa pagtuturok nito, nakasentro dito ang kalusugan at kaligtasan ng mga Pilipino.

“Today, let us reaffirm our vow to ourselves and renew our guarantee to our people. From approval to vaccine administration, laging nasa sentro ang kalusugan at kaligtasan ng bawat Pilipino.” — Pangulong Duterte.

YOU MIGHT ALSO LIKE