“No vaccine, no physical classes,” panawagan ni Rep. Hataman
By Kathleen Forbes - May 26, 2020 , 11:24 am

Dumagdag si House Deputy Speaker at Basilan Rep. Mujiv Hataman sa mga mambabatas, na nananawagan sa Department of a Education (DepEd), na ipagpaliban muna ang pagpapasok ng mga estudyante sa eskwela sa August.

Ayon sa kongresista, hanggat walang bakuna sa coronavirus disease o COVID-19, ay hindi dapat magsagawa ng physical classes.

Batay kasi na inilabas na learning continuity plan ng DEpEd, maaaring magsagawa ng face to face classes sa mga low risk areas simula August 24.

Aminado si Hataman, na hindi naman maaaring isaalang-alang ang edukasyon ng mga mag-aaral habang hinihintay ang bakuna kayat nanawagan ito sa mga eksperto, na tumulong sa pagbalangkas ng new normal sa edukasyon.

Magiging hamon naman ngayon sa mga guro ang pagpili mula sa “cafeteria of learning options,” at gamitin ito para matuto ang mga estudyante.

Umaasa rin ang mambabatas, na ikokonsidera ng gobyerno ang pagbabalik sa inalis na budget ng DepEd para makapaghanda ito sa pasukan.

Kagabi, mismong ang Pangulong Rodrigo Duterte na ang nagsabi, na mas mabuting ipagpaliban muna ang face to face classes hanggat wala pang nakikitang bakuna para sa COVID-19.

YOU MIGHT ALSO LIKE