Non-disclosure agreement, di maaaring gamiting excuse para itago ang presyo ng biniling COVID vaccines
By Kathleen Forbes - January 20, 2021 , 5:45 pm

Hindi maaaring gamiting excuse o dahilan ang non-disclosure agreement, para hindi isiwalat ang presyo ng mga biniling COVID-19 vaccine ng pamahalaan, ayon kay AKO BICOL Partylist Representative Alfredo Garbin Jr.

Paliwanag ng kongresista, hindi kasama sa national security o trade secret ang usapin ng bakuna, bagkus ito ay isang public health concern.

Dahil dito, kailangan kilalanin ang karapatan ng bawat Pilipino sa impormasyon na may kaugnayan sa public concern.

Dagdag pa ng kinatawan, pera mula sa buwis ng taumbayan ang ginamit pambili ng mga bakuna.

YOU MIGHT ALSO LIKE