Pag-certify ni PRRD sa panukalang layong pabilisin ang pagbili ng LGUs ng COVID-19 vaccine, pinapurihan
By Kathleen Forbes - February 18, 2021 , 4:17 pm

Welcome para kay House Speaker Lord Allan Velasco ang pagpapahintulot ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, sa isinusulong na panukala ng Kongreso para makapagsagawa ng advance payment ang mga local government unit (LGU), at makabili ng COVID-19 vaccine.

Diin ni Velasco, mahalagang hakbang ang maagap na pagbili ng bakuna upang mabilis ding masugpo ang pagkalat ng COVID-19.

Ang paglagda ng Pangulo sa memorandum order, ay makatutulong din aniya sa transition sa normalcy ng mga LGU, upang makabalik na ang mga negosyo at trabaho at sumipa muli ang ekonomiya.

Sa ilalim ng Emergency Vaccine Procurement Act of 2021, pinahihintulutan ang Department of Health (DOH) at National Task Force (NTF) na pumasok sa “negotiated procurement under emergency cases,” para mapabilis ang proseso ng pagbili.

Mananatili naman ang tripartite agreement scheme para sa mga LGU, na nais bumili ng bakuna para sa kanilang constituents.

Target ng Kamara na maipasa ang panukala sa 2nd at 3rd, at final reading sa Lunes.

YOU MIGHT ALSO LIKE