!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Paggulong ng mga proseso sa ABS-CBN franchise, makakabuti sa network
By Alvin Baltazar - February 18, 2020 , 12:10 pm

Naniniwala ang Presidential Communications Operations Office na mas makakabuti para sa ABS-CBN na dalawa ang gumugulong na proseso hinggil sa usapin ng franchise renewal nito.

Ito ayon kay PCOO Secretary Martin Andanar, ay ang proseso sa Committee on Franchise sa Mababang Kapulungan, ganundin ang quo warranto petition na nasa hurisdiksiyon naman ng Korte Suprema.

Sinabi ni Andanar, na kung hahayaan lang na gumulong ang dalawang proseso sa dalawang nabanggit na magkaibang body ay tiyak na maka-klaro ang prangkisa ng giant network.

Inihayag ni Andanar, na sakali’t maklaro ang legalidad sa franchise ng ABS-CBN sa Supreme Court, isa na aniyang malinaw na puntos iyon at wala nang rason pa para hindi aprubahan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang prangkisa nito, na daraan din naman sa Kongreso.

Panawagan ng kalihim sa ngayon, tanggalin ang anomang ingay, at ipaubaya na lamang sa kinauukulang institusyon ang isyu sa renewal ng kapamilya network.

YOU MIGHT ALSO LIKE