Pagluwag ng community quarantine, suportado ni House Speaker Velasco
By Kathleen Forbes - February 17, 2021 , 6:05 pm

Suportado ni House Speaker Lord Allan Velasco ang rekomendasyon ng National Economic and Development Authority (NEDA), na isailalim na sa modified general community quarantine (MGCQ) ang buong bansa simula sa March.

Ayon sa mambabatas, kung paluluwagin ang restrictions ay mababawasan ang epekto ng COVID-19 lalo na sa ekonomiya ng bansa.

Bukod dito, paparating naman na aniya ang mga bakuna na patuloy na inaasikaso ng gobyerno.

Makabubuti aniya kung hihimukin na rin ang publiko na muling tangkilikin ang mga negosyo, basta matitiyak na nasusunod ang minimum health at safety protocols.

Patuloy naman pinaplantsa sa Kamara ang panukalang Bayanihan 3 bilang panibagong stimulus package, at ang Emergency Vaccine Procurement Act na layon namang payagan ang mga lokal na pamahalaan, na bumili ng bakuna direkta sa manufacturers, gawing tax at duty free ang importasyon nito, at magtatag ng indemnification fund.

YOU MIGHT ALSO LIKE