!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Pagpapagawa ng bagong ospital sa Itbayat, malapit nang simulan
By Espie Argonza - September 12, 2019 , 11:12 am

Masayang ibinalita ni Governor Marilou Cayco na dumating na noong Lunes ang opisyal mula sa Department of Health (DOH) na pinangungunahan ni Regional Director Rio Magpantay, upang talakayin ang muling pagpapagawa ng ospital sa Itbayat.

Matapos masira ng lindol ang ospital sa Itbayat, pati ang mga kagamitan, ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte nang dumalaw siya sa Batanes, isang araw matapos ang lindol noong buwan ng Hulyo, ang pagbibigay ng P40 milyong pondo para sa pagpapagawa muli ng ospital.

Sinabi ito ni Gov. Cayco noong Martes, nang magbigay siya ng update hinggil sa pagtugon sa mga pangangailangan sa Itbayat.

Ayon sa governor, dumating na noong Lunes ang nabanggit na grupo mula sa DOH, upang pag-usapan ang mabilis na pagpapagawa ng ospital sa Itbayat, pati ang Rural Health Unit, na magkakahalaga ng P50 milyon.

Nais ng governor na simulan na ang konstruksyon sa buwan ng Oktubre, at gawin din itong level 1 na ospital.

YOU MIGHT ALSO LIKE