Pangulong Duterte, nananatiling fit at healthy, para sa kanyang edad — Malacañang
By Racquel Bayan - April 8, 2021 , 5:15 pm

Tiniyak ng Malacañang na nananatiling fit at healthy si Pangulong Rodrigo Duterte, para sa kaniyang edad.

Pahayag ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque, kasunod ng balita na ilang Presidential Security Guard (PSG) personel ang nagpositibo sa COVID-19, dahilan ng pagkansela sa ilang pulong ng Pangulo.

Ayon kay Secretary Roque, ipinagpapasalamat ng Palasyo ang concern ng mga Pilipino sa Pangulo.

Pinagpapasalamat rin ng Palasyo, ang pagnanais ng mga Pilipino na maging malakas at manatiling nasa maayos na kondisyon ang kalusugan ni Pangulong Duterte, habang ginagampanan ang kanyang tungkulin bilang pinuno ng pamahalaan, lalo na ngayong nasa gitna pa rin ng COVID-19 pandemic ang Pilipinas.

“President Rodrigo Roa Duterte remains fit and healthy for his age and we thank the Filipino people for voicing their concern and wishing the Chief Executive’s strength and good health during this time of COVID-19 pandemic as he continues to discharge his functions as head of the government.” —Secretary Roque.

Mas lalo aniyang magsusumikap ang Pangulo, na mapaglingkuran ang publiko lalo na ngayong humaharap sa global health crisis ang bansa.

YOU MIGHT ALSO LIKE