Panukala sa pagkakaroon ng indemnity fund, sinertipikahang urgent ni Pangulong Duterte
By Racquel Bayan - February 18, 2021 , 4:41 pm

Sinertipikahan na bilang urgent measure ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukala para sa pagkakaroon ng indemnity fund ng bansa, para sa kompensasyon ng mga Pilipino na makakaranas ng serious side effects mula sa matatanggap na COVID-19 vaccines.

Ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., pirmado na rin ng Pangulo ang Memorandum Order, na magpapahintulot sa mga local government unit (LGU) na makapag-procure ng sarili nilang bakuna.

Aniya, nilalaman rin ng memorandum order na ito na mapayagan ang LGUs para makapagbayad ng advance market commitment, para sa pagbili ng COVID vaccines.

Sinabi ng kalihim, na magandang balita ito lalo at malaki ang maitutulong nito sa effort ng bansa sa pagbili ng bakuna kontra COVID-19.

Ano mang oras mula ngayon, ay inaasahang ilalabas na rin ng MalacaƱang ang mga dokumento kaugnay dito.

YOU MIGHT ALSO LIKE