!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Pasahe sa MRT3, walang inaasahang pagtaas ayon sa DOTr
By Racquel Bayan - August 14, 2019 , 9:49 pm

Walang aasahan na dagdag singil sa pasahe sa MRT-3 sa kabila ng kaliwa’t kanang rehabilitation works dito sa kasalukuyan. Ito ang sinabi ni DOTr Undersecretary Timothy John Batan sa economic briefing sa Malacañang ngayong araw.

Ayon kay Batan, tulad ng sinasabi ni DOTr Secretary Arthur Tugade hanggat wala pang nakikita at nararamdamang significant improvement sa serbisyo ng linya ay hindi pa pag-uusapan ang pagtaas sa pasahe.

Sinabi ni Batan, na puspusan ang ginagawa nilang pagsasaayos sa MRT para makapag-alok ng alternatibong paraan ng pagbiyahe sa mga commuter na karaniwang dumadaan sa EDSA.

Nangangailangan kasi ng sama-samang proyekto at istratehiya ang pagpapagaan ng trapiko sa EDSA at kabilang dito ang railways.

Isa aniya sa mga tinututukan nila sa MRT ay ang signaling system nito na planong isailalim sa complete upgrade.

YOU MIGHT ALSO LIKE