Pasig Mayor Vico Sotto, pinasalamatan ang US State Department
By Merry Ann Bastasa - February 25, 2021 , 10:26 am

Nagpahayag ng pasasalamat si Pasig Mayor Vico Sotto sa US State Department sa iginawad nitong pagkilala sa anti-corruption initiatives nito.

Kabilang si Mayor Sotto sa 12 International Anti-Corruption Champions na pinangalanan ng US State Department dahil sa pagiging standard bearer nito para sa bagong henerasyon ng politiko na maigting na lumalaban sa katiwalian.

Para naman sa alkalde, higit sa pagkilala, mas nais niyang maghatid ito ng kamalayan sa mamamayan upang tuluyang ma-denormalize at maalis sa kultura ng bansa.

Nangako naman ang alkalde na hindi magpapatinag at ipagpapatuloy lang ang mga repormang ipinatutupad nito sa Pasig City upang masawata ang korupsyon.

YOU MIGHT ALSO LIKE