!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
‘Pastillas’ modus sa Bureau of Immigration, nabuking 
By Nimfa Asuncion - February 18, 2020 , 11:06 am

Nalantad sa pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality ang tinaguriang ‘pastillas’ modus sa mga airport official.

Ayon kay committee Chairperson Senador Risa Hontiveros, sa naturang modus ay nagbabayad di umano ng P10,000 na ‘service fee’ o padulas ang mga Tsino para mabigyan ng special treatment kapag pumasok na dito sa Pilipinas.

Ang mga bayad na ito ay tinawag na ‘pastillas’ noong una, dahil nirorolyo ito sa papel na parang pastillas ngunit kalaunan ay tinawag na rin itong ‘bonus,’ at inilalagay na sa mga envelope.

Sa naging pagdinig, ipinakita ni Hontiveros ang viber messages ng mga immigration officer, na tila nagsisilbing guest list dahil dito nakalista ang mga pangalan ng mga Tsino at ang flight details ng mga ito.

Pagdating sa bansa ng mga inaasahang Tsino, ay sa hiwalay na kwarto ipoproseso ang dokumento at passport ng mga ito.

Ayon sa senador, kung susumahin sa dalawang libong Chinese na pumapasok sa bansa kada araw, ay aabot sa P1 bilyong ang nakukulimbat mula sa modus na ito.

Bukod sa perang padulas, binibigyan rin ng mga Chinese company ng packed meals ang mga immigration officer.

Tinanggi naman ng mga immigration officer na dumalo sa pagdinig, na alam nila ang tungkol sa naturang kalokohan.

VIP CHINESE SA IMMIGRATION

PANOORIN: VIP TREATMENT NG MGA CHINESE NATIONALS NA PUMAPASOK SA BANSA! Bakit parang ginawang welcome committee ng mga POGO workers ang ating sariling immigration officers?

Posted by Senator Risa Hontiveros on Sunday, February 16, 2020

YOU MIGHT ALSO LIKE