Presidential Spox Harry Roque, aminadong isa ang kawalan ng pondo kaya alangang sumabak sa eleksiyon
By Alvin Baltazar - October 21, 2021 , 10:34 am

Itinuturing ni Presidential spokesperson Harry Roque na isang napakatinding hamon sa pagtakbo ang availabilty ng financial resources.

Ito ayon kay Roque ang isa sa kanyang konsiderasyon sa pagsabak sa 2022 national elections bilang Senador.

Sabi ni Roque, hindi naman siya anak-mayaman at hindi anak-pulitiko at isang hamon ang usapin sa pera sa isyu ng pagkandidato.

Una na ding nagpahayag si Roque na nakasalalay ang kanyang paglusong sa pulitika sa pasiya ni Mayor Sara Duterte- Carpio sa pagtakbo sa pambansang halalan bilang Pangulo.

Ito aniya ang pinakaimportanteng konsiderasyon sa kanyang magiging desisyon sa kung tutuloy o hindi sa pagkandidato hanggang sa Nobyembre 15.

YOU MIGHT ALSO LIKE
politics
Go seeks Divine Providence on his presidential bid, vows to continue giving genuine service
November 27, 2021