Presidential Spox Harry Roque, binansagan si VP Leni na laging mali na counterpart ng Laging Handa ng pamahalaan
By Alvin Baltazar - March 3, 2021 , 8:40 am

Kung may Laging Handa ang pamahalaan, mayroon din namang maaaring ikabit na “lagi” kay Bise Presidente Leni Robredo.

Ito ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque ay ang “laging mali”.

Hugot ni Roque sa panibagong buwelta sa Vice President ay nang sabihin nitong dapat daw dumaan sa Health Technology Assessment sang-ayon sa Universal Health Care ang pagdating ng Sinovac sa bansa.

Malinaw naman ani Roque sa probisyon ng batas na ang HTAC ay isang transparent priority setting mechanism na recommendatory sa Department of Health at hindi mandatory gaya ng ipinalalabas ng Pangalawang Pangulo.

Binigyang diin ni Roque na
tandang tanda niya pa na kanyang kinuwestiyon sa kanilang talakayan noon sa Kongreso sa kung bakit kailangan pa ng HTAC gayung nandyan na ang Food and Drug Administration.

Ang HTAC ay grupo ng medical at health experts na itinalaga ng health secretary upang magsagawa ng assessment sa mga
gamot, bakuna o iba pang health devices na aangkatin ng DOH o ng Philhealth.

YOU MIGHT ALSO LIKE