!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Presidential Spox Panelo, inaasahang makakarinig pa rin ng puna, batikos sa sandaling matapos na niya ang “commute challenge”
By Alvin Batazar - October 11, 2019 , 7:01 am

Pinanindiganan ni Chief Presidential Legal Counsel at Spokesperson Salvador Panelo na gagawin niya ang commute challenge ng walang media.

Pasado alas-5:00 ng madaling araw ng ikasa ni Panelo ang pagko-commute sa hindi naman ibinulgar nitong ruta.

Isang nagngangalang Manuel Ortega ang binanggit ni Panelo na pangalan ng unang driver ng jeep na kanyang sinakyan na kanyang binayaran ng sampung piso.

Bago tuluyang sumakay ng LRT, sinabi ng Palace spokesman na sasakay pa siya ng dalawang passenger jeep.

Mensahe pa ni Panelo sa media, naiskupan niya sila sabay sabing, matalino man ang matsing ay napaglalangan din.

YOU MIGHT ALSO LIKE