Probisyon sa batas tungkol sa substitution ng mga kandidato para sa eleksyon, dapat nang rebyuhin
By Nimfa Asuncion - October 13, 2021 , 11:38 am

Para sa ilang senador, panahon na para rebyuhin ang probisyon sa batas tungkol sa substitution ng mga kandidato sa eleksyon dahil naaabuso na ito. 

Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, partikular na dapat pag-aralan o tanggalin na ay ang ikatlong kondisyon sa substitution…ito ay ang pagpapahintulot nito kung ang isang kandidato ay nag-withdraw o umatras sa kandidatura. 

Giit ni Sotto, kung hindi handa ang isang indibidwal ay hindi na dapat ito tumakbo para sa isang posisyon sa gobyerno. 

Samantala, pinunto naman ni Senador Aquilino ‘Koko’ Pimentel III na ang probisyong ito ay isa sa mga bentahe ng mga political parties sa mga independents. 

Gayunpaman, ito aniya ay iginagawad bilang isang seryosong contingency at hindi para maging bahagi ng stratehiya at taktika.

Para kay Pimentel, pang-aabuso na kung intentional ang pagpupwesto ng ‘fake candidates’. 

YOU MIGHT ALSO LIKE