PRRD, hihintayin na lang ang EUA ng Sinopharm bago magpaturok ng COVID vaccine
By Racquel Bayan - March 2, 2021 , 6:53 pm

Hihintayin na lang ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na maaprubahan ang aplikasyon ng Sinopharm, para sa Emergency Use Authorization (EUA) nito sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sa oras na mayroon nang EUA ang Sinopharm ay saka magpapabakuna si Pangulong Duterte.

“Mag-aantay po si Presidente ng EUA dahil nabalita ko nga po kahapon na meron na pong nag-apply for the EUA of Sinopharm. So magaantay na lang siya ng approval ng Sinopharm.” —Secretary Roque.

Sa pamamagitan aniya nito, ay hindi na kailangan pang pag-aralan ng legal department ng Malacañang kung maaari bang magamit ng Pangulo ang compassionate use license, na iginawad ng Food and Drug Administration (FDA) sa Sinopharm, para sa Presidential Security Group (PSG).

Matatandaan na October 2020 nang magpabakuna ng Sinopharm vaccine ang ilang tauhan ng PSG, partikular iyong mga kabilang sa close-in security ng Pangulo.

YOU MIGHT ALSO LIKE