Rep. Ace Barbers, balak paimbestigahan ang misencounter sa pagitan ng PDEA at QCPD
By Kathleen Forbes - February 25, 2021 , 4:49 pm

Balak paimbestigahan ni House Committee on Dangerous Drugs Chair Robert “Ace” Barbers, ang maituturing aniyang “very unfortunate” shooting incident sa Ever Commonwealth.

Diin ng mambabatas, kung kapwa sinasabi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Quezon City Police District (QCPD) na lehitimo ang kanilang operasyon, ay hindi dapat nauwi sa firefight ang buy-bust dahil kailangan ang proper coordination sa pagitan ng mga operatiba, salig sa section 86 ng Republic Act 9165.

Ngunit sa naturang insidente, tila lumalabas na hindi nakipag-ugnayan ang kapulisan sa PDEA.

Pinuna naman ng Surigao del Norte representative, ang umano ay “sell bust” o pagbebenta ng droga para mahuli ang drug buyer na isinagawa ng PDEA na labag sa batas.

Isa pa sa nais mabigyang linaw ng kinatawan, ay ang presensya ng high-ranking police officers sa naturang operasyon.

Diin nito, kailangan ng malinaw na kasagutan sa insidente lalo at kapapasa lamang sa ikalawang pagbasa ng panukala, na mag-aamyenda sa Dangerous Drugs Act.

YOU MIGHT ALSO LIKE