Rep. Defensor, hinamon si QC Mayor Belmonte sa debate ukol sa umano’y overpriced na ayuda ng LGU
By Jesson Tamondong - October 20, 2021 , 5:23 pm

Hinamon ni Representative Mike Defensor si Quezon City Mayor Joy Belmonte, na humarap sa isang debate upang talakayin ang umano ay overpriced na mga ayuda na ipinamigay ng lokal na pamahalaan.

Sa isang panayam sinabi ni Defensor, na P636 lang aniya dapat ang halaga ng bawat ayuda ng lokal na pamahalaan, ngunit prinesyuhan aniya ito ng P1,149 o sobra ng P513.

Sinabi rin ni Defensor, na may humaharang rin aniya sa planong pag iimbestiga ng kongreso, ukol sa anomalya sa ayuda ng Quezon City Local Government.

Matatandaang nagsampa rin noong Lunes ng kasong graft at plunder ang Task Force Kasanag laban kay Belmonte, dahil sa pagbili umano ng overpriced na food packs para sa mga residente.

YOU MIGHT ALSO LIKE