Rep. Garin sa pamahalaan: Dapat palaging may nakahandang essential medicine para sa public health emergency
By Kathleen Forbes - April 8, 2021 , 6:40 pm

Nagpaalala si Iloilo Representative Janette Garin, na dapat ay nakahanda na ang mga essential medicine, lalo na tuwing may pandemya o public health emergency.

Kasunod aniya ito ng mga tawag at mensahe na kanyang natatanggap, na naghahanap ng mga gamot na Remdesivir at Tocilizumab, na antiviral medication at mabisang panggamot laban sa COVID-19.

Iginiit ni Garin, na hirap nang makahanap ng ganitong mga gamot, kaya hindi na aniya nakapagtataka na mismong ang mga tao na ang gumagawa ng paraan, para makahanap ng lunas sa kanilang mga sarili.

Aniya, kung maaga pa lang ay naka prepositioned na ang mga essential medicine na makatutulong sa paglaban sa COVID-19, ay hindi sana problema ngayon ang gamot sa bansa.

YOU MIGHT ALSO LIKE