Sen. De Lima, di pa rin dapat magbunyi matapos mapawalang sala sa isa sa 3 kaso ng droga
By Michael Rogas - February 18, 2021 , 5:54 pm

Pinayuhan ni Taguig Pateros Representative Alan Peter Cayetano si Senator Leila De Lima, na patibayin na lamang ang susunod niyang mga argumento para sa dalawa pang natitirang kaso nito sa droga.

Ito ay matapos angkinin ng kampo ng Senator ang moral victory nang i-abswelto siya ng Muntinlupa City Regional Trial Court, sa kanyang demurrer to evidence.

Sa kanyang pagtungo sa mga nasunugan sa Marikina City, sinabi ni Cayetano na dapat umanong patunayan ni De Lima na inosente siya sa lahat ng kaso, at hindi sa iisang kaso lamang.

Hindi rin daw dapat hingiin ng senator ang agaran niyang kalayaan, lalo pa at nakitaan naman ng sapat na katibayan ang natitira pa niyang kaso.

Sa bandang huli, dapat umanong manaig pa rin ang hustisya sa magkabilang panig.

Sa March 5 itinakda ng Muntinlupa City Regional Trial Court ang muling pagdinig sa kaso ni De Lima, kung saan inatasan siya na maglabas ng mga ebidensya at testigo.

Kahapon pinawalang sala ng korte ang senator, matapos katigan ang demurrer to evidence nito, habang pinayagan namang makapag piyansa ang kapwa niya akusado na si Adrian Derra.

YOU MIGHT ALSO LIKE