Sen. Go, pinabulaanan ang espekulasyon ng substitution sa kanya bilang VP candidate ng PDP-Laban
By Nimfa Asuncion - October 13, 2021 , 6:21 pm

Pinabulaanan ni Senator Christopher ‘Bong’ Go ang mga espekulasyon na bibigyang daan niya ang kandidatura ng isang indibidwal, sa pamamagitan ng substitution.

Ayon kay Go, desidido na siyang tumakbo sa pagka-bise presidente sa 2022 elections.

Sinabi ng senator, na desisyon ng PDP-Laban (Cusi faction) at ni Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbo siya bilang bise presidente, upang may magdadala at magpapatuloy ng mga adhikain ng partido at ng administrasyong ito.

Ibinahagi rin ng mambabatas, na nakatulong sa desisyon niyang tumakbo sa pagka-bise presidente ang plano ni Pangulong Duterte na magretiro na sa pulitika.

Determindao aniya siyang ipagpatuloy ang legasiya ng kasalukuyang administrasyon, at ang magdagdag pa ng ibang programa na makakatulong sa pagresolba sa pandemya at sa economic recovery ng bansa.

Muli rin sinabi ni Go, na sakaling siya ang ihalal ng mga Pilipino ay tinitiyak niyang magiging isang “working vice president” siya at hindi magiging isang spare tire lamang.

YOU MIGHT ALSO LIKE