!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Sotto, hinahanda ang petisyon sa concurrence ng Senado sa termination ng agreements
By Nimfa Asuncion - February 18, 2020 , 11:30 am

Inihahanda na ni Senate President Vicente Sotto III ang ihahain nilang petisyon sa Supreme Court tungkol sa concurrence ng Senado sa pagterminate ng anumang kasunduan o tratado.

Ito ay may kaugnayan pa rin aniya, sa naging kanselasyon ng visiting forces agreement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at ng Amerika.

Ayon kay Sotto, ang ihahain nila ay isang simpleng petisyon lamang na hihingi ng interpretasyon ng Kataas-taasang Hukuman tungkol sa dapat bang dumaan rin sa Senado ang planong pagteterminate o pagkakansela sa isang kasunduan.

Hindi kasi malinaw sa konstitusyon kung may boses ba ang senado sa termination ng mga kasunduan, gaya na lamang ng ibinibigay sa kanilang kapangyarihan kapag mag-aapruba o magra-ratify nito.

Inihain aniya ito nina Sotto, upang igiit ang karapatan ng senado sa pagdedesisyon sa termination ng anumang tratado.

Kasama aniya na maghahain ng naturang petisyon sina Minority Leader Franklin Drilon, Senador Panfilo Lacson, at mga dating Senador Francisco ‘Kit’ Tatad at Rodolfo Diazon.

Sina Tatad at Biazon ang nag-sponsor ng VFA noong 11th congress.

Umaaasa ang senate president, na makikiisa rin sa kanilang petisyon ang iba pang senador.

Samantala, naniniwala naman si Sotto, na hindi makakaapekto sa kanyang senate presidency ang paghahain ng naturang petisyon.

Ito aniya ay isyu lamang ng prinsipyo at hindi ng pulitika.

YOU MIGHT ALSO LIKE