Sen. Sotto, maghahain ng panukala para maamyendahan ang party-list system sa bansa
By Nimfa Mae Asuncion - January 13, 2021 , 9:20 pm

Maghahain si Senate President Vicente Sotto III ng isang panukalang batas na mag aamyenda sa party-list system sa bansa.

Ayon kay Sotto, sa ihahain niyang panukala ay nais niyang tiyakin na hindi maihahalal ang mga grupo na konektado sa mga may nais na pabagsakin ang pamahalaan.

Lilinawin aniya nila ang probisyon tungkol sa party-list system partikular na ang maaaring maging kwalipikadong kinatawan ng mga marginalized sector sa Kongreso.

Target ng senate president na maihain ang naturang panukala sa Lunes.

Matatandaang una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na nais niyang maamyendahan ang saligang batas para mabura na ang party-list system sa bansa.

Gayunpaman, sinabi ni Sotto na kaya itong maisakatuparan nang hindi ginagalaw ang konstitusyon kaya isusulong niya ang panukalang ito.

YOU MIGHT ALSO LIKE