!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Sen. Tolentino sa DFA: Alamin ang kalagayan ng mga inarestong Pinoy seafarers sa Persian Gulf
By Nimfa Mae Asuncion - September 12, 2019 , 11:37 am

Hinimok ni Senador Francis Tolentino ang Department of Foreign Affairs (DFA) na alamin ang kondisyon ng mga kababayang inaresto sa Persian Gulf.

Sa pamamagitan ng Senate Resolution 130, nanawagan si Tolentino sa DFA na makipag-ugnayan sa Islamic Republic of Iran, para malaman ang kalagayan ng 12 Pinoy seamen na inaresto ng Iranian authorities nitong September 8.

Inaresto ang mga Pinoy na sakay ng isang tugboat na may bitbit na langis na nagkakahalaga ng $2.2 million dollars, habang binabagtas ang Strait of Hormuz.

Inaakusahan ang mga ito na sangkot sa oil smuggling.

Bukod sa insidenteng ito, mayroon ring isang Pilipinong kasama sa mga hinuli ng Iranian authorities noong July 19, dahil sa paglabag umano sa international maritime rules.

Giit ni Tolentino, responsibilidad natin na tiyakin ang kaligtasan at kalagayan ng mga kababayan natin sa ibang bansa, lalo na’t malaki ang kanilang kontribusyon sa komunidad at ekonomiya ng Pilipinas.

YOU MIGHT ALSO LIKE