!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Senado, tatalakayin na ang franchise bill ng ABS-CBN
By Nimfa Asuncion - February 18, 2020 , 10:54 am

Inanunsyo ni Senate Public Services Committee Chairperson Senator Grace Poe, na sisimulan na ng kanyang komite ang pagtalakay sa franchise bill ng ABS-CBN.

Ayon kay Poe, imbes na oversight hearing lamang tungkol sa mga di umano ay paglabag ng network sa terms ng kanilang prangkisa ang didinggin, ay nagdesisyon siyang ang mismong legislative franchise bill na ng network ang dinggin.

Aniya, ang resulta rin naman ng magiging oversight hearing ang magiging basehan kung aaprubahan ba nila o hindi ang prangkisa ng network.

Giniit naman ng senator, na maaari nilang dinggin ang legislative franchise kahit pa wala pa itong katumbas na panukala mula sa Kamara.

Sinabi ni Poe, na gaya ng ibang panukalang batas na kailangan nang ipasa, maaari namang maging sabay ang pagdinig ng Senado at Kamara.

Gaya aniya ng ginagawa sa pagtalakay sa general appropriations bill (GAB) at sa TRAIN law noon.

Ang hindi lang aniya maaaring gawin ng komite ni Poe, ay ang magsumite ng committee report tungkol dito, hanggang wala ang report mula sa Kamara.

Bagamat aminado ang senator, na wala ring mangyayari sa magiging resulta ng kanilang pagdinig hanggang walang pagkilos mula sa Kamara… ang mahalaga aniya ay ang maisiwalat at maipaunawa sa taumbayan ang mga isyu.

Sen. Poe

Senado, plano nang simulan ang pagtalakay sa franchise bill ng ABS-CBN. | via Nimfa Asuncion

Posted by Radyo Pilipinas on Sunday, February 16, 2020

YOU MIGHT ALSO LIKE