!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Senador Lacson, tiwalang di mapapatalsik sa pwesto si SP Tito Sotto
By Nimfa Asuncion - February 18, 2020 , 10:44 am

Naniniwala si Senador Panfilo Lacson na hindi mapapatalsik sa pwesto si Senate President Vicente Sotto III, dahil lamang sa isyu ng pag-akyat sa korte ng usapin ng Visiting Forces Agreement (VFA).

Ayon kay Lacson, hindi ito mangyayari dahil isyu naman ang labanan dito at hindi personal na away na insultuhan.

Lumutang ang posibilidad ng pagpapatalsik sa kay Sotto sa senate presiedncy matapos nitong sabihin, na posibleng iakyat nila sa Korte Suprema ang usapin ng concurrence dapat ng Senado sa kanselasyon ng visiting fores agreement (VFA), sa pagitan ng ating bansa at ng Amerika.

Ayon kay Lacson, matagal na niyang kilala si Sotto at alam niyang ang pambansang interes ang mas mangingibabaw dito kaysa sa kanyang posisyon.

Kapag sa tingin aniya nito ay tama ang kanyang pananaw, ay paninindigan niya ito at nakahanda siyang matanggal sa pwesto kung kinakailangan.

Nilinaw rin ni Lacson, na maingat ang mga salitang ginamit nila sa inihaing resolusyon, na naggigiit sa boses ng senado sa termination ng mga tratado o kasunduan.

Malinaw aniya rito ang pagrespeto nila sa naging desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, at hindi naman nila ito kinokontra o pinangungnahan na huwag kanselahin, bagkus ay pag-aralan lang muna.

YOU MIGHT ALSO LIKE