Senators, umaasang walang magiging delay sa pagdating ng COVID vaccines matapos naipasa ang COVID-19 Vaccination Program Bill
By Nimfa Asuncion - February 25, 2021 , 5:28 pm

Ngayong nakapagpasa na ang kongreso ng isang panukalang batas na magpapabilis sa pagbili ng bakuna at magtatatag ng isang indemnity fund, umaasa ang mga Senator na wala ng magiging delay sa pagdating ng mga COVID-19 vaccine sa Pilipinas.

Ayon kay Senator Joel Villanueva, base sa impormasyong ibinahagi sa kanila ng executive branch, ang indemnification fund lamang ang kulang para mai-deliver ang mga COVID-19 vaccine sa ating bansa.

Sa pamamagitan ng pinasa nilang panukala ay dapat matuldukan na ang ating vaccine drought…

Binigyang diin naman ni Senator Grace Poe, na ginawa na ng Kongreso ang papel nito sa pagpapasa ng panukalang batas para sa COVID-19 Vaccination Program rollout…

Ngayon ay hinihintay na aniya ng taumbayan ang resulta, at umaasa siyang hindi na matagal ang hihintayin bago makamit ng ating mga healthcare worker, at-risk sectors, at ng buong populasyon, ang ligtas at epektibong bakuna.

Sa ngayon, opisyal nang napirmahan ng senate president at ng house speaker ang enrolled bill ng panukalang COVID-19 Vaccination Program Act of 2021…at sa ngayon ay nakatakda nang ipadala sa Malacañang para mapirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

YOU MIGHT ALSO LIKE