!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Sison, ‘di maaaring maging isang political refugee
By Rey Ferrer - September 12, 2019 , 11:25 am

Kailanman hindi maaaring maging political refugee si exiled Communist Party of the Philippines (CPP) leader Joma Sison.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, nahihibang na si Sison na nagsabi na protektado siya sa pagiging self-imposed exile sa
Netherlands.

Aniya, ang pagiging mass murderer at teroristang katulad niya ay kailanman hindi maikokonsidera na isang political refugee.

Una nang naglabas ng warrant of arrest ang Manila Regional Trial Court laban kay Joma at 36 na iba pang niyang kasamahan dahil sa pagkakasangkot sa Inopacan massacre sa Leyte noong 2006.

Tinawag din ni Año na duwag si Sison dahil pinagtataguan ang kanyang kaso at namumuhay na parang hari sa ibang bansa.

May koordinasyon nang ginagawa ang Philippine National Police (PNP) sa INTERPOL para sa pag-isyu ng Red Notice para sa pag-aresto kay Sison.

Sabi pa ni Año, kapag na-publish na ng INTERPOL ang Red Notice magiging wanted man na si Joma sa buong mundo.

Bukod pa dito, ang special arrangement na hihilingin ng gobyerno sa Dutch Government para sa extradition nito sa bansa.

YOU MIGHT ALSO LIKE