Social media, malaki ang maitutulong sa pagpapatupad ng road clearing ops
By Rey Ferrer - February 18, 2020 , 11:24 am

Malaki ang maitutulong ng publiko sa ipinatutupad na panibagong road clearing operations na utos ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, bukod sa disiplina sa sarili, magsisilbing mata din ang publiko sa bawat gagawin ng mga barangay officials.

Sa pamamagitan ng social media maaaring i-post ang mga larawan o video ng mga lugar na dapat aksyonan at malinis.

Sinabi pa ng kalihim na nakabantay ang DILG sa mga governor at mayor at bawat barangay chairman kayat dapat pagsikapan ng mga ito na gawing matagumpay ang clearing operation para hindi makasuhan.

Hindi aniya maiwasang maisip na may korapsyon kapag hindi naalis ang mga illegal vendors at parking sa kanilang nasasakupang lugar.

YOU MIGHT ALSO LIKE