Talk to the People ni PRRD ngayong gabi, ipagpapaliban muna
By Racquel Bayan - April 7, 2021 , 6:07 pm

 
Tinitiyak lamang ng Malacañang ang kalusugan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, at nililimitahan rin ang exposure nito, sa gitna na rin ng tumataas na bilang ng bagong COVID-19 cases sa bansa.

Pahayag ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque, makaraang ipinagpaliban muna sa susunod na linggo ang nakatakdang Talk to the People ng Pangulo ngayong gabi.

“The Palace confirms that President Rodrigo Roa Duterte will not have a Talk to the People Address tonight, April 7, 2021, in light of the rising number of active COVID-19 cases.” —Spox Roque.

Ayon sa kalihim, isinasaalang-alang rin ng Palasyo ang kalusugan ng mga staff na kabahagi sa preparasyon ng public address ng Pangulo.

“In addition, the preparation for the Talk to the People Address entails a number of staff complement and we also take due consideration of their well-being.” —Secretary Roque.

Matatandaan, na una na ring tiniyak ni Senator Bong Go na walang direct exposure ang Pangulo sa mga COVID positive, at wala ring dapat na ipag-alala ang publiko sa kalusugan ng Pangulo.

Wala aniyang ipinamamalas, na anomang sintomas ng virus si Pangulong Duterte at nananatili lamang ito ngayon sa Malacañang.

YOU MIGHT ALSO LIKE