₱32.5-M ng iligal na droga, drug paraphernalia, sinunog ng PDEA-Davao
By Sheila Lisondra | RP1 Davao - March 31, 2021 , 11:08 am

Pinangunahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Davao region ang pagsunog sa mga nakumpiskang iligal na droga at drug paraphernalia na isinagawa sa Davao del Sur Sports Complex sa Barangay Mati, Digos City, Davao del Sur.

Ayon kay retired Col. Antonio Rivera, regional director ng PDEA Davao, aabot sa mahigit ₱32.5-million ang kabuuang halaga ng nakumpiskang iligal na droga. Kabilang dito ang 1.7 kilo ng shabu na may halagang ₱11.6-million at mahigit 173 kilo ng marijuana na may Dangerous Drugs Board (DDB) value na ₱20.8-million, at mga drug paraphernalia na nakumpiska sa unang quarter ng taong 2021.

Layunin ng nasabing aktibidad ay upang ipakita sa publiko na walang nangyayaring recycling sa mga nakumpiska na iligal na droga sa rehiyon.

YOU MIGHT ALSO LIKE