1 sugatan sa 2 pagsabog sa Patikul, Sulu kaninang umaga
By Leo Sarne - August 13, 2019 , 12:50 pm

Isang sundalo ang sugatan sa dalawang pagsabog na naganap sa Sitio Tibongbong, Igasan, Patikul, Sulu kaninang umaga.

Sa ulat ni Western Mindanao Command (Westmincom) Spokesperson Maj. Arvin Encinas, ang unang pagsabog ay naganap kaninang alas-7:34 ng umaga.

Pinaghihinalaang improvised explosive device ang sanhi ng unang pagsabog, kung saan walang iniulat na sugatan.

Nagsasagawa ng clearing operations ang mga tropa ng 13 Special forces company kasama ang K9 units sa blast site nang maganap ang ikalawang pagsabog, 10 metro lang ang layo mula sa unang pagsabog bandang alas-8:30 ng umaga.

Sugatan sa naturang pagsabog si Cpl. Rene Mediana ng 43rd K9 Pltn, ng Philippine Army, na nagtamo ng shrapnel wounds sa ibabang bahagi ng katawan.

Kasalukuyang ongoing ang imbestigasyon sa insidente.

YOU MIGHT ALSO LIKE