10-araw na sanggol sa Mati City, Davao Oriental, naka-recover sa COVID-19
By Armando Fenequito | RP1 Davao - March 31, 2021 , 1:05 pm

Naka-recover ang isang 10-araw na sanggol sa Mati City, Davao Oriental mula sa COVID-19 infection.

Sa ipinadalang pahayag ni Mati City Information Officer Ben Jason Tesiorna, ito ang naging deklarasyon ng Incident Management Team ng lungsod.

Ayon kay Tesiorna, kinilala ang naturang sanggol bilang si MC-518, kung saan na-infect ito noong tatlong araw pa lang siya mula sa kanyang kapanganakan.

Nasa isolation na umano ang ina nang itakbo ito sa Davao Oriental Provincial Medical Center noong March 21 para ipanganak si MC-518.

Kasama umano itong nahawa sa kanyang ina na kinilalang si MC 515 na parehas asymptomatic.

Nagka-virus umano ang ina matapos ma-expose ito sa kanyang asawa na si
MC-507 na isang symptomatic.

Si MC-518 ang kinukunsiderang pinakabatang COVID-19 survivor sa lungsod.

YOU MIGHT ALSO LIKE