!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
10th ID, paiigtingin ang community support, security patrol sa Talaingod, Davao del Norte kasunod ng pagsasara ng Salugpungan schools 
By Armando Fenequito | RP1 Davao - October 10, 2019 , 11:30 am

Paiigtingin ng 10th Infantry Division ang Community Support Programs (CSP) at Security Patrol sa Talaingod, Davao del Norte matapos tuluyang ipasara ng Department of Education (DepEd) 11 ang 55 Salugpungan Schools sa Davao Region.

Sa panayam sa tagapgsalita ng 10th ID na si Capt. Jerry Lamosao, ito aniya ang kanilang tugon sa pangamba ng mga tribal leaders lalo sa malalayong mga barangay na baka may gagawin ang mga sympathizers ng Salugpungan  Ta’tanu Igkanugon Community Learning Schools, Inc.

Ito’y matapos sinabi ng isa sa mga tribal chieftain ng bayan na si Datu Lumunsad Sibugan na maaring babalikan ng mga sympathizers ang mga guro ng DepEd na idinestino sa mga paaralan malapit sa mga Salugpungan Schools.

Ayon kay Lamosao mas dadalasan ng mga Battalion malapit sa mga paaralan ang pagpatrolya para masiguro ang seguridad ng bawat komunidad mula sa banta ng harassment ng mga sumisimpatya sa Salugpungan.

Dagdag nito na hindi nila papayagan na manganib ang buhay ng mga guro na inilagay ng DepEd sa mga naturang lugar na tumutupad lang sa kanilang tungkulin sa komunidad.

YOU MIGHT ALSO LIKE